hindi ko alam kung manhid ako o talagang masama. wala akong nararamdamang lungkot o awa para sa mga nasawi sa wowowee stampede.

ganun na ba ang pilipino ngayon? alam ko mahirap ang buhay ngayon, pero hindi sapat na dahilan ito para umasa na lang sa mga gameshow at kung ano ano pang papremyo. ano ba naman yan, sistema natin tinuturuan ang tao magsugal.

nakakahiya, umabot pa yung news sa cnn. humingi raw tayo ng tulong sa pangulo naten, sabi ng media. naman yan! national crisis ba to na kailangan iparating sa pangulo? siguro nga no. dahil kung nagawan ng gobyerno ng paraan tong poverty issue naten, hindi magiging ganito ang karamihan ng masa. ano naman gagawin ng pangulo, give more fish?

merong nahihimatay dahil walang nakain ng ilang araw sakakaintay sa labas ng ULTRA at. ang tao ba, eh, nagiging tanga pag desperado na?
katangahan lahat ito. katangahan, kabobohan, kababawan.

mas mababaw pa to sa UAAP wars.

death is not the real tragedy here. it’s the fact that pinoys are dumbing down that’s tragic.